COMELEC ’90% ready’ na!!!

Isang buwan na lang bago ang halalan, hinayag ng COMELEC na 90% handa na ito upang isagawa ang unang pambansang halalang de-kompyuter sa bansa sa Mayo 10.

Paghahatid na lang ng mga gamit panghalalan ang nananatiling tungkuling kailangang isakatuparan, ani COMELEC spokesperson James Jimenez.

“We’re thinking of coming up of monitoring facility here centrally located where we–I mean the COMELEC, the administrators as well, of course, members of the media– will be able to monitor the arrivals an progress of various materials that we’re transporting,” aniya.

Dagdag pa nya: “Considering that all the major elements in conducting an election are already in place, I would say we are about 90% ready to conduct the elections. The fact that we’re already started elections for the overseas absentee voting, that’s already a good sign for us.

Nagsimula na rin ang paghahatid ng mga makinang Precinct Count Optical Scan (PCOS), unang tinutukan ang malalayong lugar, ani Jimenez.

May 35 Milyon sa kabuuang 50 Milyong balotang kailangang maiprenta na aniya, dinagdag na inaasahang matatapos na ang lahat bago ang Abril 25.

Nasa Proseso na rin ang Comelec na pagkuha ng ballot secrecy folders, indelible ink at ultraviolet(UV) lamps.

Tapos na rin ang pagsasanay sa mga gurong bubuo sa board of election inspectors (BEI), ani Jimenez. Halos tapos na rin ang pagsasanay sa canvassing system operators, dagdag aniya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: